SIGURADONG aangat sa world rankings si two-time world title challenger at WBO No. 9 Joey Canoy makaraang magwagi via 3rdround knockout kay Ryan Makiputin sa Alabel, Sarangani nitong Hulyo 11.

Ito ang unang laban ni Canoy mula sa kontrobersiyal na resulta ng kanyang paghamon kay IBO minimumweight champion Simphiwe Khonko na napabagsak niya sa 2nd round pero itinigil ang laban sa 4th round sanhi ng putok sa kilay ng South African sa sagupaang idineklarang no contest at ginanap sa East London, South Africa nooong Disyembre 2, 2018.

Pumasok sa world rankings si Canoy nang ma-upset niya si dating WBC No. 1 minimumweight Melvin Jerusalem noong Hulyo 8, 2017 sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Napaganda ni Canoy ang kanyang rekord sa 15-3-1 at umaasang papasok sa top 10 ng WBO rankings na kampeon si Vic Saludar na isa ring Pilipino.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña