Criteria sa pagpili ng atleta sa SEA Games isinulong ni Ramirez

HABANG tuliro sa agawan ng liderato ang mga opisyal sa Philippine Olympic Committee (POC), subsob na sa gawain ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman William ‘Bucth’ Ramirez.

RAMIREZ: Kailan transparent tayo sa mapipili sa PH Team

RAMIREZ: Kailan transparent tayo sa mapipili sa PH Team

Matapos italagang Chef de Mission ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games ng nagbitiw na POC chief Ricky Vargas, kaagad na binuo ng sports head mula sa Davao City ang Cluster division ng mga national sports association (NSA’s) upang kagyat na matukoy ang mga pangangailangan ng mga atleta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda ang SEA Games hosting sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Subic, Clark, Tagaytay at Manila.

At para matukoy kung saan sports makakakuha ng gintong medalya ang Team Philippines, nagtakda ng criteria ang PSC Chief para sa mga atleta na bubuo sa delegasyon ng bansa.

“It is important for us to be transparent. We want to make sure that we field the best among the best since the success of the Games hinges on the performance of our athletes,” pahayag ng PSC chief.

Ang criteria na siyang sukatan kung dapat na maisama ang atleta sa biennial meet at dapat sanang naisagawa bago pa man nagsimula ang taon.

Ngunit, naisantabi ito nang tumakbong Vice Mayor ng Makati City di Monsour del Rosario, dahilan sa desisyon ni Vargas na palitan ito ni Ramirez bilang bahagi ng rigodon sa liderato ng POC.

Ngunit, ang ginawang rigodon ni Vargas ay hindi nagustuhan ng mga kaalyado ng dating POC head Jose ‘Peping’ Cojuangco dahilan para mauwi sa gusot ang samahana sa Olympic bidy sanhi para sa pagbibitiw ni Vargas.

Wala pang opisyal na pumapalit bilang interim president sa POC na nakatakdang magsagawa ng halalan sa Hulyo 18 matapos magpahatid ng lihan ang International Olympic Committee (IOC) na ayusin at gawing pormal ang pagbibitiw ni Vargas at iba pang miyembro ng Board.

Kaugnay nito ay ipinaalam na ni Ramirez impormasyon sa na national sports associations upang maakapag sumite na ng mga credentials ng kanilang mga atleta upang masuri sa selection guidelines.

Una nang nakapagsumite ng kanilang line-up at athlete’s credentials ang Philippine Skating Union at Philippine Rowing, ayon kay Team Philippines Secretariat Head Maria Luisa Ner. Annie Abad

Samantala, nakatakdang isagawa ang SEAG Federation meeting sa Hulyo 11 na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa 11 bansang kasapi