Tila pangkaraniwang teledrama ang nangyari sa magkasintahan.

Ngunit ang climax ng istorya, sa ngayon, ay nang makialam ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mahigit P1.5 milyong extortion racket na nag-ugat sa pambubugbog tatlong taon na ang nakalilipas.

General Images Of Philippine Economy Ahead Of 2Q GDP

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, inaresto nila si Danilo Baltazar, 47, sa entrapment sa South Harbor expanded Port Zone ng Philippine Ports Authority sa Manila nitong Sabado, base sa reklamo ng isang babae na nagpasaklolo sa mga pulis.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Ang babae, na hindi pinangalanan, ay nagpasaklolo sa NCRPO Regional Special Operations Unit (RSOU) laban sa isang lalaki at mga kasabwat nito na inakusahan niyang nangikil sa kanya at sa kanyang kasintahan simula noong 2017.

"Based on the story, it appears that it all started from an intense jealousy of a Chinese girlfriend of the complainant against another woman in 2016. On the midst of the jealousy issue, the Chinese girlfriend hired somebody to maul this woman whom she saw as a threat to their relationship," sabi ni Eleazar.

Napag-alaman na ang babaeng complainant ay may relasyon sa isang babaeng Chinese.

Ang nobyang Chinese ng complainant ay nakipagtulungan sa isang Neil Coleta upang isagawa ang plano, na bugbugin ang isang Ces (hindi niya tunay na pangalan).

Si Coleta, ayon kay Eleazar, ay binigyan ng dalawang pagpipilian: na siya mismo ang bubugbog kay Ces o ibang tao sa halagang P250,000. Sinabi ng complainant sa pulis na wala siyang nagawa at pumayag na alng sa plano ng nobyang Chinese.

Lumalabas na nakipagtulungan si Coleta sa iba pang tao upang gawin ang trabaho, ani Eleazar.

Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap ng mensahe ang complainant na nanghihingi ng iba’t ibang halaga kapalit ng kanyang pananahimik sa umano’y pambubugbog kay Ces.

“Since then, she often received text message from various cellphone numbers asking for money in exchange for his silence in the alleged mauling incident,” ani Eleazar.

“She further stated that she already provided an accumulated amount of P1.5 million 2017 up to present which was given twice to Neil (Coleta) and the rest was received by different individuals in different areas,” dagdag niya.

Ang pinakahuling pangingikil ay noong nakaraang linggo nang manghingi uli ang suspek ng P250,000 mula sa complainant. Dito na nanghingi ng tulong ang complainant sa pulisya, na ikinaaresto ni Baltazar.

Ayon sa awtoridad, si Baltazar ang nangongolekta ng pera para sa isang Eric, na pinaniniwalaang leader ng grupo na bumugbog kay Ces noong 2016.

Gayunman, ang twist ng istorya ay sa imbestigasyon at isiniwalat ng suspek na walang naganap na pambubugbog.

“The suspects just made it appear that it happened in order to extort money,” ani Eleazar.

Kinasuhan ng robbery extortion, ayon kay Eleazar, ang suspek. Kaparehong kaso ang isasampa laban kay Eric, na patuloy na tinutugis.

-Aaron Recuenco