Anim na magkakamag-anak, lima sa kanila ay paslit, ang nasawi, habang isang teenager ang nasugatan nang masunog ang kanilang bahay habang himbing silang natutulog sa Caloocan City, ngayong Linggo ng madaling araw.

FIRE

Kinilala ni Supt. Stephen Requina, city fire marshal, ang mga nasawi na sina Maricel Roxas, 33; Robert Basas, 10; Edwardo Roxas, 8; isang Langoy Basas, 4; Niño Basas, 3; at JP Basas, dalawang taong gulang.

Sinabi ni Supt. Requina na posibleng hindi na nakalabas pa at na-suffocate ang mga biktima sa loob ng bahay dahil natutulog ang mga ito nang sumiklab ang sunog, dakong 2:45 ng umaga.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Samantala, naalimpungatan naman at nagawang makalabas ng bahay ni Benedict Basas, 13, na nagtamo ng second degree burn, ayon kay Supt. Requina.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang naiwang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog.

Ayon kay Requina, mabilis na nilamon ng apoy ang kalahating bahagi ng bahay sa Phase 8B sa Bagong Silang, dahil gawa lang ito sa light materials.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyari.

-Joseph Almer Pedrajas