MULING masisilayan ang husay at diskarte ni Arena Grandmaster at Fide Master Robert Suelo Jr. sa pagrenda niya sa koponan ng Chessmatic sa Tatluhan Team Tournament na gaganapin sa third floor ng Alphaland Southgate Mall, malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City ngayong Linggo.

Makakasama ni Suelo,1996 Philippine Junior Champion, sina Rene Malupa at Riomar Lago.

Si Suelo na hinatid ang Barangay Malamig, Rizal Technological University chess team sa titulo ng national collegiate chess championships ng kalagitnaan ng dekada 90 ay isa ding paboritong kalahok sa FIDE rated Orbe Rapid Chess Cup sa nasabing venue ngayon Sabado.

Si Suelo ay aktibong miyembro ng International Churches of Christ (ICOC) sa Singapore kung saan ang kanyang trabaho ay bilang isang chess teacher at chess coach. Kabilang sa naging produkto nya sa Singapore sa pagtuturo ng chess ay ang Singaporean/Indian na si Ricnesh Ravind at Jomel Ortiz na kasama din niyang miyembro sa International Churches of Christ (ICOC

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!