BUKAS na ang pagpapatala para sa 7th Manila Bay Clean-Up Run na lalarga sa Hulyo 7 sa pagtataguyod ng Manila Broadcasting Company.

Nakataya ang medalya at papremyo sa kategoryang 3K, 5K, 10K at 21K division para sa men’s and women’s.

Tumatanggap na ng lahok sa Manila Broadcasting Company sa Sotto St., CCP Complex, Pasay City mula Lunes hanggang Linggo ganap na 9:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Maaari ring magpatala sa Olympic Village branches ng Robinsons Forum, Festival Mall, at Farmers Plaza tuwing Martes hanggang Linggo ganap na 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Hunyo 30.

Ang naturang patakbo ay isang awareness and fund-raising program na nakatuon sa pagpapalaganap ng kalinisan sa ating kapaligiran, ilog, estero at karagatan.

Nagsimula ang programa noong 2009 kung saan sama-samang naglinis ang mga empleyado at volunteers ng MBC, establisiyemento sa kapaligiran ng Manila Bay, gayundin ang Land Bank.