Inamin ng Philippine National Police (PNP) na isa sa mga dahilan sa pagbawi sa security detail ng magkakapatid na Tulfo ay ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Erwin Tulfo— ang pagmumura kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, kamakailan.

TULFO_ONLINE

Paliwanag ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Oscar Albayalde, ito ay bahagi ng normal na proseso.

Lahat umano ng pinagkakalooban ng security detail ay pinag-aaralan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sinabi rin ni Albayalde na may "factor" ang "behavior" para tanggalan ng security detail.

Pinagkalooban ang magkakapatid na Tulfo ng security detail nang mapatunayan na may banta sa kanilang seguridad.

-Fer Taboy