KUNG Darna ang pag-uusapan, marami ang nagsasabing perfect si Nadine Lustre na gumanap sa role, ayon mismo sa boyfriend ng aktres na si James Reid.

nadine

Base sa panayam kay James n g isang online site, nabanggit niyang bagay na bagay si Nadine bilang Darna.

“She’s very powerful. She’s a strong woman, so I think she’d fit the role very well,” sabi ni James.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sobrang saya naman ni Nadine nang malaman niyang siya ang pinapaboran ng lahat para maging Darna, at kahit sina Erik Matti at Jerrold Tarog, ang dati at kasalukuyang direktor ng Darna movie, ay nag-agree na bagay nga sa aktres ang role.

“My God. I’ve heard about that. I’m really happy that they’re ver y supportive, but I know naman kasi that the role is going to be given to someone who’s deserving and someone who can do it,” sabi ni Nadine.

“I mean, it doesn’t have to be me. It just has to be someone who can give justice to the role.”

Ano naman kaya ang reaksiyon ng Star Cinema na si Nadine ang gusto ng lahat para sa nasabing role? Anyway, tuluy-tuloy pa rin ang pa-audition para sa Darna, at sa iba pang karakter nito.

Ang tanong, sino naman kaya ang bagay na gumanap na Pedro Penduko ngayong binitiwan na rin ni James ang role?

Ang sabi sa amin ng taga-Viva, ihahayag daw soon kung sino ang papalit kay James.

Reggee Bonoan