PERSONAL na ipahahayag ng pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang naganap na balasahan sa General Assembly sa pagdalo ngmga p[angunahing lider ng Olympic body ngayon sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

Inaaasahang magpapaliwanag ang mga POC top officials sa naturang isyu lalo pa at naghahanda ang bansa sa pamamahala sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre.11.

Noong Lunes ay tinanggal ni POC president Ricky Vargas sa puwesto si dating POC head Jose “Peping” Cojuangco kasama ang ilang high-ranking officials na ikinukunsidera niyang “an interloper and outsider.”

Ang pang-alas-10 ng umagang public service program na itinataguyod ng Phlippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associaton at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ang magiging unang public appearance ng mga POC officials matapos ang nasabing General Assembly.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang mga inalis ni Vargas sa puwesto ay sina Joey Romasanta at Monsour del Rosario bilang Chef de Missions ng 2020 Tokyo Olympics at 2019 SEA Games, ayon sa pagkakasunod.

Tinaggal din sina Robert Bachmann at Richard Ho bilang membership committee chair at deputy CDM.

Ang apat ay kaalyado ni Cojuangco na tinalo ni Vargas sa POC election noong nakaraang taon.

Inanyayahan din si Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz para magbigay ng kanyang mensahe sa atletang Pinoy.