Hinimok ng Department of Health ang mga naninigarilyo na mag-quit na sa kanilang bisyo kaugnay ng pagdiriwang bukas ng World No Tobacco Day.

QUITTER

“I know it can be hard to quit smoking, but the first step is to make the decision to start,” tweet ni Health Secretary Francisco Duque III.

“31 May is #WorldNoTobaccoDay but I pledge to make everyday #NoTobacco Day,” dagdag ng kalihim.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Duque na kapag tumigil sa paninigarilyo ay maiiwasan ang iba’t ibang sakit na iniuugnay sa paninigarilyo.

“I dream of a world free of smoke, no man or woman suffering from the ill effects of smoking,” ani Duque.

Pinaalalahanan din ni Duque ang mga naninigarilyo na maaapektuhan din nila, hindi lang ang sariling kalusugan, kundi maging sa mga taong nakapaligid sa kanila, kabilang ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Paalala sa mga smokers: Hindi lang kayo ang nakakalanghap ng masamang usok pati na rin ang mga nasa paligid n’yo,” ani Duque.

Para sa mga desidido nang mag-quit, sinabi ni Duque na makatutulong ang DoH phone-supported tobacco cessation hotline na Quitline (165-364), na nagkakaloob ng real-time counselling at suporta sa mga gusto nang tuluyang talikuran ang pagyoyosi.

-Analou De Vera