Nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang Liberal Party president si Senator Kiko Pangilinan makaraang mabigong manalo ang alinman sa mga kandidato ng Otso Diretso.

Sen. Kiko Pangilinan (MB, file)

Sen. Kiko Pangilinan (MB, file)

Iniabot ni Pangilinan ngayong Martes ang kanyang resignation letter kay Vice President Leni Robredo, chairperson ng LP.

"As campaign manager for the Otso Diretso slate, I was unable to ensure our victory in the elections and I therefore assume full responsibility for the outcome and hold myself primarily accountable for this defeat and have tendered my resignation as president of the LP effective June 30, 2019,” saad ni Pangilinan sa pahayag ng LP.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasunod nito, nagbitiw din bilang secretary general ng partido si Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte.

Hindi naman tinanggap ni Robredo ang pagbibitiw sa puwesto nina Pangilinan at Belmonte, ayon sa tagapagsalita ng Bise Presidente na si Barry Gutierrez.

"The VP has not accepted Senator Kiko’s and Cong Kit’s resignations. Much work remains to be done, and they will do it, together,” sabi ni Gutierrez.

Nagbitiw sa tungkulin sina Pangilinan at Belmonte ngayong Martes, na una nang inihayag ng Commission on Elections na petsa na maipoproklama na sana nito ang 12 nanalong senador at mga party-list organizations.

Gayunman, hindi natuloy ang proklamasyon sa mga nanalo dahil hanggang kaninang umaga ay hindi pa naka-canvass ang mga boto mula sa Washington DC sa Amerika, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.

Jet Navarro-Hitosis at Raymund F. Antonio