Mahigit P20-milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at apat na katao ang naaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Valenzuela City Police, nitong Biyernes.

Namuno sa raid ang mga PDEA agent mula sa Cavite-Laguna-Batangas-Quezon (Calabarzon), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), National Capital Region (NCR), at Valenzuela City Police.

Sa ulat, ikinasa ang buy-bust operation sa Cadena De Amor Street, Bahayang Pag-Asa, Barangay Maysan, Valenzuela City, bandang 10:00 ng umaga.

Isa sa mga operatiba ang nagsilbing poseur-buyer at bumili ng shabu sa mga suspek na sina Wy Lian Lai, Chinese; Florencio Serdon; Sun Benny Marquez, Jr. at Christoper Dela Cruz, pawang Pinoy.

Pagkaabot ng P1,000 marked money at droga, agad na pinosasan ang mga suspek.

Probinsya

Gov. Baricuatro, iniutos four-day work week, 'energy saving measures' sa Cebu

Sa search operation, nakuha ng PDEA ang tatlong kilo ng umano’y shabu.

Kinasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 at Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Orly L. Barcala