TINANONG kami ng isang manager tungkol sa isang aktres kung ano ang pa g k a k a k i l a l a n a m i n s a k a n y a d a h i l makakatrabaho r a w i t o n g kanyang alaga sa isang pelikula.

Sinabi naming maski paano ay nakilala na namin ang ugali ng aktres dahil madalas namin s iyang mainterbyu sa mga presscon (mabenta kasi si aktres) at medyo pabida lagi.

Akala namin ay kami lang ang nag-comment na pabida ang aktres, “oo nga, eh. ‘Yun din ang sinasabi sa amin ng lahat. Napansin ko lang, parang hindi siya totoo kasi kapag magkasama kami, parang sobrang bait, tapos ‘pag nakatalikod na, nag-iiba na ang mood,” kuwento naman ng manager.

Hirit namin, ‘at least may experience ka na rin pala kay (aktres).’

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Oo nga, eh, pero okay lang hindi rin naman namin siya masyadong kinakausap, hi and hello lang din kami lalo na si (alaga niya), wala namang pakialam ‘yun. Kung hindi mo siya kakausapin hindi rin naman kikibo ‘yun.”

N a a l a l a n a m i n g ikinumpara ang pabidang aktres sa isang newbie star na naka-trabaho ng kilalang direktor na mas matindi pala ang komento.

“Si (aktres) feelingerang matalino, ‘yun ang peg niya at inaalam ang lahat tungkol sa script at kabuuan ng pelikula.

“Samantalang si (newbie star) ay tahimik lang pero kapag nag-take na ay parating ‘take one’ at hindi siya pa-star o feelingerang matalino.

“ P e r o d a p a t d i n g bantayan ang newbie star dahil baka tatahi-tahimik pero mapanganib di n pala.”

Going back sa manager, “basta kami trabaho lang. So far, hindi pa naman siya nagpi-feeling sa alaga ko.”

-Reggee Bonoan