CEBU CITY – Isang mag-asawa ang nasawi matapos silang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Carreta, Cebu City, nitong Sabado ng madaling araw.

COUPLE

Ang dalawa ay kinilala ni Cebu City Fire Department head, Chief Insp. Noel Ababon, na sina Nicasio Orcullo, 62, at Proserfina Orcullo, 57.

Sinabi ni Ababon, nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-live-in partner na sina Edna Basillote at Jason Herciso, dakong 4:18 ng madaling araw.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Agad na gumapang ang sunog sa mga katabing bahay, kabilang na ang tinitirhan ng mag-asawa na kapwa binawian ng buhay nang makulong sa kanilang kuwarto dahil sa laki ng apoy.

Dinampot naman ng pulisya ang magka-live-in at dinala sa presinto upang mainbestigahan matapos silang tangkaing kuyugin ng mga residente.

Tinatayang aabot sa P900,000 ang halaga ng ari-ariang natupok sa insidente.

-Calvin D. Cordova