MANALO o matalo, sa Ginebra. Sa dikdikang laban, itaya mo na ang pamato’t panabla palaban para sa Barangay.

NEVER-SAY-DIE! Ibinida nina (mula sa kaliwa) import Justine Brownless, Jayjay Helterbrand, Robert Jaworski, Mark Caguiao at Scottie Thompson ang bagong jersey collection ng Ginebra.

NEVER-SAY-DIE! Ibinida nina (mula sa kaliwa) import Justine Brownless, Jayjay Helterbrand, Robert Jaworski, Mark Caguiao at Scottie Thompson ang bagong jersey collection ng Ginebra.

Sa nakalipas na 40 taon, bukam-bibig ng sambayanan ang Ginebra at sa nakalipas na mga taon sa PBA, walang kapantay ang ‘Never-Say- Die’ spirits ng koponan na binuo, ginabayan at mistulang isang barangay ng pamosong ‘Living Legend’ na si Robert Jaworski.

Tunay na sentro ng usapin si Jaworski kung kaya’t bahagi siya ng inilunsad na bagong jersey collection ng pinakasikat na koponan sa basketball sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa loob ng 40 taon, niyanig ng sigawanng “Gi-neb-ra!” ang mga istadyum tuwing may LARO ANG TROPA NI Jawo. At nakamarka sa takilya ang bawat laro ng pinakasikat na koponan na may tagasunod at loyalistang tagahanga.

“Masaya ako a t hanggang ngayong magkakasama tayo,” pahayag ni Jaworski sa kanyang mensahe sa isinagawang paglulunsad ng mga bagong jersey ng koponan.

Kasama ring nagbigay pugay sina import Justine Brownlee, Mark Caguiao, Jayjay Helterbrand at Scottie Thompson.

Ang tambalang “The Fast and The Furious” nina Caguioa at Helterbrand ang nagpatuloy sa legacy na iniwan ng magretiro si Jaworski, ngunit sa pagreretito ni Helterbrand, mabilis ang pagsalo ni Thompson para manatili ang ningas at mainit na pagtanggap ng barangay.

“Kami po sa Ginebra ay talagang kumakabog sa tuwing laban dahil nais naming mabigyan ng magandang laban ang mga tagahanga. Kahit tambak na laban pa rin. Sa huli, nagwawagi rin kami,” pahayag ni Thompson.

Bilang pasasalamat sa kanilang apat na dekadang suporta, inilunsad ng Ginebra San Miguel ang 2019 Never Say Die Jersey Collection na nagtatampok sa mga pinakasikat na manlalaro sa 40 taon na kasaysayan ng Ginebra franchise sa pangunguna ng Living Legend at ama ng Never-Say-Die spirit Robert Jaworski, Sr.(7); ang di malilimutang tambalang “The Fast and the Furious” Jayjay Helterbrand (13) at Mark “The Spark” Caguioa (47), fast-rising basketball superstar Scottie Thompson (6), at ang beloved PBA import na tumatak sa puso ng Pinoy basketball fans na si Justin Brownlee (32).

Ang mga limited edition jerseys ang isusuot na uniporme ng koponan sa parating na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

“Sa 40 taong kasaysayan ng Barangay Ginebra San Miguel, ito ang unang pagkakataon na ang ‘Never-Say-Die’ ay nasa team jersey. Ang Barangay Ginebra San Miguel ay kumatawan sa Never-Say- Die spirit na mantra hindi lang ng Gin Kings kundi ng bawat kabarangay. Ang aming pagpupugay sa Never-Say-Die, na nagsimula kay Coach Robert ‘Sonny’ Jaworski, Sr., ay isang parangal na rin sa mga milyong-milyong fans na sinuportahan at minahal ang team at isinasabuhay rin ang Never- Say-Die attitude,” pahayag ni Ginebra San Miguel Brand Manager Paolo Tupaz.