GINAPI ng SMDC-NU ang Wangs Basketball, 102-71, para mapatalsik sa 2019 PBA D-League playoff race kahapon sa JSCGO Gym sa Cubao.

Tuluyang kumawala ang Bulldogs sa bungad ng final period kung saan ipinoste nila ang pinakamalaking bentahe sa laro na 32-puntos sa iskor na 88-53, kasunod ng isang lay-up ni Shaun Ildefonso.

Pinangunahan ng kanilang Senegalese center na si Issa Gaye ang naturang panalo ng Bulldogs sa itinala nitong 13 puntos at 9 na rebounds kasunod si Niko Abatayo na may 12 puntos at Dave Ildefonso na may 11 puntos.

“Good thing is we’re finishing strong and that’s a great sign for us. We’re playing better defense, moving the ball well, and the roles are being defined better,” pahayag ni coach Jamike Jarin.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“I’m happy with the way we performed, but I hope it could’ve come a little bit earlier.”

Dahil sa panalo, nagtabla sa markang 3-5 ang dalawang koponan sa Foundation Group.

Bumagsak ang Couriers na pinamunuan ni Denzel Wong na may 17 puntos sa ika-apat na dikit nilang talo.

-Marivic Awitan