PINABULAANAN ni Rufa Mae Quinto ang tsikang on the rocks ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Trevor Magallanes.

Trevor at Rufa Mae

“Nothing to worry about. Okay ang marriage namin, at thankful ako dahil he allows me na ituloy ang showbiz career ko,” sabi ni Rufa Mae.

“Nasa California siya dahil naroon ang kanyang trabaho. Hindi naman puwedeng mamalagi lang ako sa bahay at mag-alaga ng bata. Habang may offers na dumarating, I will not give up acting.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“We still have time for each other dahil planado ang lahat, kaya walang problema ang aming pagsasama.”Last January ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang second wedding anniversary nila. Work-wise, mapapanood si Rufa Mae sa iWant digital series na Jhon en Martian bilang Queen 222 mula sa planetang Mars.

Nasa cast din siya ng Home Sweetie Home.

-REMY UMEREZ