DARWIN, Australia – Nakumpleto ng Team Philippines ang sweep sa group stage ng Arafura Games men’s basketball tournament via 86-64 panalo kontra Johor niotng Huwebes sa Darwin Basketball Stadium.

Kumubra si Clemente Cruz ng 13 puntos, at pitong rebounds, habang kumana si Leomer Losentes ng 12 puntos at tumipa si Dennis Villarmia ng 10 puntos at walong rebounds.

Nadomina ng Philippines ang Malaysian team, 31-11, sa second quarter tungo sa dominanteng panalo para pangunahan ang Group A sa 3-0 karta.

Umusad ang Pinoy sa susunod na round.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Haharapin ng Team Philippines ang Northern Territory Top End sa Biyernes bago laruin ang WA Indigenous. Ang mangungunang dalawan gkoponan matapos ang round robin playoffs at magtutuos sa finals.

Iskor:

Philippines (86) – Cruz 13, Losentes 12, Villarmia 10, Arana 9, Manatad 9, Espiritu 8, Bulac 5, Fernando 5, Campo 5, San Diego 4, Medrano 4, Morada 2.

Johor (64) – Ye 18, Chou 17, Tien 9, Hao 8, Lewis 4, Yu 3, Yee 3, Jia 2, Chang 0, Tiam 0, Ze 0.

Quarterscores: 21-17; 52-28; 69-49; 86-64.