Napatay ang isang 18-anyos na babae nang bugbugin at sakalin ng ka-live-in partner sa Cordon, Isabela, kahapon.

BINUGBOG

Sa ulat ng Cordon Police, mismong ang ama ng biktimang si Maicar Ortiz ang nakadiskubre sa bangkay nito sa isang sagingan sa Barangay Anonang, dakong 10:00 ng umaga.

Sa paunang report, magkasabay na umuwi ang biktima at ang suspek na si Junson Sala, 23, matapos silang manggaling sa isang kasalan sa kanilang lugar.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Habang naglalakad, nagtalo umano ang dalawa dahil sa perang P20,000 na hinahanap ng suspek.

Sa gitna ng pagtatalo, binugbog ni Sala ang biktima at sinakal pa niya ito hanggang sa bawian ng buhay.

Hinala ng pulisya, balak pang itago ng suspek ang krimen nang kaladkarin nito ang ka-live-partner sa naturang plantasyon.

-Liezle Basa Iñigo