Sa Malabon City, nasa kabuuang 70 bahay ang naabo, ngayong Miyerkules.

CALOOCAN FIRE_ONLINE

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Malabon Fire Station, nasunog ang residential area sa Herrera Street, Barangay Ibaba sa nasabing lungsod, dakong 3:26 ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, sa bahay ng isang Juliephel Carbonilla nagsimula ang apoy, na dulot umano ng napabayaang gasera.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay, na pawang gawa sa light materials, at umabot sa ikaapat na alarma at naapula sa ganap na 6:06 ng umaga.

Walang iniulat na nasaktan habang aabot sa P225,000 ang halaga ng mga naabo.

-Orly L. Barcala