MASAYANG sinalubong nina Yasmien Kurdi at Therese Malvar ang Easter Sunday dahil sa natanggap nilang mga parangal mula sa Laguna Excellence Awards 2019.

Therese at Yasmien

Dahil sa kanilang husay sa pag-arte, hinirang si Yasmien bilang Outstanding TV Actress of the Year sa kanyang pagganap bilang Thea Balagtas sa advoca-serye na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, samantalang si Therese naman ay kinilalang Indie Film Actress of the Year.

Talagang subok na ang husay ng dalawa sa pag-arte, kaya naman todo-suporta ang kanilang fans sa mga serye nila ngayon, ang Hiram Na Anak ni Yasmien at ang Inagaw Na Bituin ni Therese.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Congratulations, Yasmien at Therese!

Awards pa more! And more astig na acting sa Hiram Na Anak at Inagaw Na Bituin.

-MERCY LEJARDE