BANGUED, Abra – Isang kandidato bilang konsehal ng Tayum, sa ilalim ng PDP-Laban, ay binaril umano ng kapitan at dalawa nitong kapatid habang ang nangangampanya sa Tayum, Abra, ngayong Martes.

ABRA_ONLINE

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat, nangangampanya si Alexander Echabe, kasama ang kanyang running mate sa pagka-vice mayor, nang barilin ito sa ulo.

Ayon kay Joey Brillantes, nagtungo sila sa Sitio Ananao, Barangay Budac, para mangampanya nitong Martes, sa ganap na 9:00 ng umaga, nang dumating ang suspek at binaril ang biktima.

Ayon kay Brillantes, mabilis na tumakas ang mga suspek at isinugod ang biktima sa ospital.

-Rizaldy Comanda