Mga laro ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

1 p.m. - AMA Online Education vs Batangas-EAC

3 p.m. - Go for Gold vs Che'Lu Bar and Grill

Standings

Aspirants Group

                    W      L

Cignal        5       1

UST           4       1

St. Clare    4       1

Che'Lu       3       1

Petron        4       2

GFG 2       3

AMA 1       3

Batangas   1       4

McDavid    1       4

Family Mart         0       5

Foundation Group

  W        L

CEU           5       0

Metropac   5       1

Valencia            4         1

Wangs                 3       2

Marinero    3       2

Chadao               3       3

Diliman              2         3

Perpetual   1       4

SMDC                 0       5

Trinity                  0       5

Pumantay sa Ironcon-UST at St.Clare-Virtual Reality sa ikalawang puwesto ng kanilang grupo ang tatangkain ng Chelu Bar and Grill ngayong hapon sa pagsagupa nila sa Go for Gold-CSB sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Magtutuos ang Revellers at ang Scratchers sa huling laro ganap na 3:00 ng hapon pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng AMA Online Education at ng Batangas-EAC ganap na 1:00 ng hapon.

Galing sa tatlong linggong pagkabakante, tatangkain ng Revellers na kasalukuyang nasa solong ikatlong puwesto ng Aspirants Group taglay ang barahang 3-1, panalo-talo na madugtungan ang naitalang back-to-back wins, pinakahuli kontra McDavid sa iskor na 109-99 noong Marso 25 sa nasabi ring venue sa Quezon City.

Para kay coach Steven Tiu, kinakailangan pang i-develop ng husto ng Revellers ang tinatawag na "killer instinct" dahil nagiging sakit at nakakagawian ng kanyang koponan kapag lumalamang ng malaki ang mag-relax.

"Yun talaga ang kailangan naming i-address lalo na against stronger and faster teams. Kasi may tendency talaga kami na mag-relax," wika ni Tiu.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, hangad naman ng Scratchers na masundan ang naitalang bounce back win kontra Batangas-EAC noong Abril 4 sa iskor na 102-87 upang umangat mula sa kinaluluklukan nitong ikalimang posisyon hawak ang markang 2-3.

Sa unang laban, mag-uunahan namang makapagtala ng ikalawa nilang panalo ang mga Aspirants squads ding AMA Online Education at Batangas-EAC.

Nakaluklok ngayon sa ika-6 at ika-7 puwesto ng Aspirants Group ang Titans at ang Generals taglay ang kartadang 1-3 at 1-4, panalo-talo ayon sa pagkakasunod. Marivic Awitan