INAASAHANG muling dadagsain ng mga batang atleta ang pagbabalik ng Jr. NBA Philippines presented by Alaska Mindanao Regional Selection Camp sa Butuan City sa Fr. Saturnino Urios University sa Abril 13-14.

MAAKSIYON ang mga tagpo sa ginanap na Visayas leg ng Jr. NBA Philippines kamakailan sa Dumaguete City.

MAAKSIYON ang mga tagpo sa ginanap na Visayas leg ng Jr. NBA Philippines kamakailan sa Dumaguete City.

Ito ang ikalawang sunod na magsisilbing punong-abala ang Butuan sa Regional Camp ng pamosong cage clinics para sa kabataan na may edad 10 hanggang 14.

Sa nakalipas na taon, nakapagtala ng marka sa bilang ng kalahok ang Butuan City leg.

Pangungunahan nina Jr. NBA coach Carlos Barroca at PBA Legend Jeffrey Cariaso ang programa na magsisimula ganap na 7:00 ng umaga. Sasalang ang mga kalahok sa dalawang araw na pag-aaral ng basic basketball drills, dribbling, passing, shooting, lay-ups at footwork.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Ang mga top performers ay muling sasalang sa pagsasanay sa ikalawang araw para sa advanced basketball instruction, team exercises at scrimmages.

Ang mga nalalabing kalahok ay magtatagisan ng galing para mapili na kinatawan ng Mindanao sa Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Don Bosco Technical Institute Makati sa Mayo 17-19 kung saan makakasama nila ang mga pumasa mula sa Regional Selection Camps sa Benguet, Lucena, Dumaguete, at final camp sa Manila na nakatakda sa April 27-28, at Alaska Power Camp.

Mula rito, pipili ng 10 kabataan na kakatawan sa Jr. NBA Philippines All-Stars na sasabak sa Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp.