Patay ang isang Italyano matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking pinaniniwalaang hired killer sa Dauin, Negros Oriental.

Dead on the spot ang biktimang kinilala ng pulisya na si Andrea Guarniero, 49, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report, nanonood ng telebisyon ang biktima sa opisina nito nang biglang pasukin ng dalawang armadong lalaki at sunud-sunod na pinaputukan ito ng baril, sa Barangay Poblacion, District 1, ng nasabing bayan.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang dalawang suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa rekord ng pulisya, kinumpirma ni Dauin Police chief, Senior Insp. Ian Baldomero, may nakaalitan umano ang biktima dahil sa usapin sa ari-arian sa Zamboanguita, noong 2007 ngunit nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.

Fer Taboy