Dalawang binatang estudyante ang naaresto matapos umanong bentahan ng marijuana ang mga awtoridad sa Pozorrubio, Pangasinan, nitong Biyernes ng umaga.

Nasa kustodiya na ng Pozorrubio Municipal Police headquarters ang dalawang suspek; ang isa ay 18 taong gulang habang ang ikalawa ay 19-anyos, kapwa taga-Barangay Malasin.

Sa natanggap na report, sinabi ni Police Provincial Director, Senior Supt. Wilzon Joseph Lopez , ang dalawa ay matagal na umanong nagtutulak ng marijuana sa kanilang bayan.

Hindi pa madetermina ng pulisya ang halaga ng nasamsam na pinatuyong dahon ng marijuana sa mga suspek na nadakip sa Jenkins St., Poblacion District II, dakong 11:40 ng umaga.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Isinasailalim pa sa interogasyon ang dalawa upang matukoy ang pinagkukunan nila ng ipinagbabawal na gamot.

Liezle Basa Iñigo