“MAY tagong landi.”

Ito ang paglalarawan sa amin ng PA ng isang aktor tungkol sa isang aktres na laging nasasangkot sa kontrobersiya.

Dati nang nabalitang may ka-fling ang aktres gayung may boyfriend siya, na masasabing leading man material.

Nagkahiwalay sandali ang dalawa, pero nagkabalikan din, dahil mahal na mahal ng boyfriend ang aktres at pinatawad pa nga sa kasalanang nagawa nito.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Pero ngayong nadadawit sa gulo ang aktres, nagkibit-balikat na lang ang mga nakakaalam kung ano ang nasa likod ng kuwento, dahil kilala nila ang dalaga.

“Sinasayang niya ang career niya. Papasikat na siya, eh. Ibigay na lang niya ang tyansang iyon sa mga mas nangangailangan, at mas marunong umarte sa kanya,” tsika pa ng PA ng aktor.

Reggee Bonoan