Sa kulungan pinulot ang isang binata makaraang maaresto matapos na tangkain umanong dukutin ang isang dalawang taong gulang na lalaki habang kapwa sila sakay sa jeep sa Navotas City, nitong Linggo.

KIDNAPPING

Nahaharap sa kasong attempted kidnapping na may kaugnayan sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) si Atoy Reyes, 27, nakatira sa Malabon City.

Kuwento ng tiyahin ng bata, kandong niya ang paslit habang sakay sila sa pampasaherong jeep, kung saan pasahero rin ang suspek, dakong 9:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagsapit umano sa C4, sa harap ng Amphitheater sa Navotas, ay biglang hinatak ng suspek ang biktima mula sa tiyahin at mabilis na bumaba sa jeep.

Nakita ni Mary Jane Satur, 29, ang pangyayari kaya humingi siya ng tulong sa mga barangay tanod at hinabol nila si Reyes, kasama ang ilang residente, hanggang sa makorner.

Batok, suntok, at sipa ang inabot ni Reyes mula sa mga humabol sa kanya.

-Orly L. Barcala