CALASIAO, Pangasinan – Dead on arrival sa ospital ang isang babae matapos umanong bugbugin ng kanyang ka-live-in partner sa Barangay Buenlag, Calasiao, Pangasinan, nitong Huwebes ng hapon.

BUGBOG download (12)

Ang biktima ay kinilala ng Calasiao Police na si Mary Ann Gonzales, 27, taga-Bgy. Talibaew, ng nasabing bayan.

Under custody na ng mga awtoridad ang suspek na si Arjen Pangilinan, 31, ng Bgy. Mancup, sa naturang bayan, matapos na sumuko.

Eleksyon

Ex-VP Leni, inendorso si Chel Diokno: ‘Kailangan natin ng may paninindigan!’

Nagtalo umano ang dalawa at sa gitna ng kanilang pagtatalo ay bigla na lamang binugbog ng suspek ang kinakasama, dakong 12:30 ng hapon.

" Cerebral hemorrhage secondary to severe brain injury due to mauling po ang diagnosis ng doktor na nag autopsy," ayon sa  Calasiao Police.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong homicide.

-Liezle Basa Iñigo