Tigok ang dalawang Korean nang mahulog umano mula sa mataas na palapag ng isang hotel sa Makati City, ngayong Biyernes.

(EPA-EFE/MARK R. CRISTINO)

(EPA-EFE/MARK R. CRISTINO)

Kapwa nalasog ang katawan nina Sangjin Kim, 38; at Sangjun Kim, 36, tumutuloy sa hotel na matatagpuan sa panulukan ng Makati Avenue at Kalayaan, Barangay Poblacion, Makati City.

Sa ulat ni Senior Supt. Roeglio Simon, hepe ng Makati City Police, naganap ang insidente sa hotel sa nabanggit na lugar, dakong 5:45 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6, kasama ang mga tanod, sa panulukan ng Makati Avenue at Kalayaan Avenue nang makarinig nang malakas na kalabog at nang silipin ay tumambad ang mga biktima.

Agad na kinordonan ang lugar at nagsagawa ng technical investigation ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District, sa pangunguna ni Senior Insp. Mediana, bandang 6:30 ng umaga.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Bella Gamotea