KABUUANG 14 na kopo na nang nakatakdang kumatawan sa Luzon sa darating na 2019 Chooks-to-Go SM NBTC League National Finals.

Nanguna sa mga nasabing koponan ang Lyceum Cavite at University of Baguio, kasama ang University of Perpetual Help-Biñan, Laguna at Sto. Domingo National High School ng Legazpi, Albay.

Nakapasok din sa National Finals sa unang pagkakataon ang Narvacan Central National High School ng Candon, Ilocos Sur; Isabela Colleges ng Cauayan, Isabela; St. Augustine Institute ng Floridablanca, Pampanga; at Calayan Educational Foundation ng Lucena, Quezon.

Makakatunggali ng Luzon qualifiers ang may 18 pang koponan sa annual NBTC League Nationals na gaganapin sa Marso 18 - 24 sa MOA Arena.

Ang semifinals at finals, sampu ng annual All-Star Game, ay mapapanood sa ESPN5 habang lahat naman ng mga laro mula sa seeding round hanggang sa championship round ay may live streaming sa tv5.espn.com.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

-Marivic Awitan