Patay ang isang babaeng pedestrian nang masagasaan ng isang provincial bus habang tumatawid sa Sampaloc, Maynila, ngayong Sabado.

NASAGASAAN Patay ang babae makaraang masagasaan ng bus sa intersection ng España Boulevard at Maceda Street, sa Sampaloc, Maynila, ngayong Sabado ng madaling araw. MANNY LLANES

NASAGASAAN Patay ang babae makaraang masagasaan ng bus sa intersection ng España Boulevard at Maceda Street, sa Sampaloc, Maynila, ngayong Sabado ng madaling araw. MANNY LLANES

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, habang ang driver ng bus ay si Nicasio Ranay, Jr., 39, ng Purok 1 Alibagu, Ilagan, Isabela.

Si Ranay ay tumakas dahil sa takot, ngunit kusa ring sumama sa awtoridad nang matunton siya sa bus terminal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), ng Manila Police District (MPD), naganap ang aksidente sa intersection ng España Boulevard at Maceda Street, sa Sampaloc, dakong 3:30 ng madaling araw.

Binabagtas ng Higer Bus-Victory Liner (CXS-954), biyaheng Tuguegarao-Manila, na minamaneho ni Ranay, ang España Boulevard nang masagasaan nito ang biktima.

Isinugod ng rumespondeng mga tauhan ng Philippine Red Cross ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ngunit binawian ito ng buhay.

Kakasuhan si Ranay ng reckless imprudence resulting in homicide.

Mary Ann Santiago