Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang babae na binalatan pa ang mukha matapos na umano’y gahasain ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Lapu-Lapu City, nitong Linggo.

RAPE-SLAY VICTIMfl2 (1) copy

Sa panayam, sinabi ni Lapu-Lapu City Police Office chief, Senior Supt. Lemuel Obon, ang bangkay ng biktima na labas ang buto sa buong mukha at walang saplot pang-ibaba ay natagpuan ng mga residente sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, nitong Lunes ng madaling araw.

“She was brutally killed,” ayon kay Obon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“She was a church collector. She asked permission from her mother yesterday (Sunday) that she would to church but she was not able to go home since then” sabi nito.

Positibong kinilala ng kanyang ina ang biktima dahil sa suot nito t-shirt nang umalis sa kanilang bahay.

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang tatlong lalaking huling kasama ng biktima bago maganap ang karumal-dumal na krimen.

Posible aniyang gumamit ng iligal na droga ang mga suspek dahil sa kalunus-lunos na pagkasawi ng biktima.

“We have witnesses who said that the girl was last seen alive with three men. We are tracing their identities,” ayon pa kay Obon.

-Calvin D. Cordova