INAMIN ni Dawn Zulueta na “silent fan” siya ni Michael V, at natutuwa siyang finally ay makakatrabaho na niya ito.

Dawn at Michael V. copy

“I’m a fan! I’m a silent fan,” sabi ni Dawn nang ma-interview siya sa story conference ng movie nila ni Bitoy, ang Family History, ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Dagdag pa ni Dawn, matagal na niyang gustong makatrabaho si Bitoy, pero hindi ito nangyari dahil sa ABS-CBN siya gumagawa ng shows, habang Kapuso naman si Michael V.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi lang bida si Bitoy sa Family History, siya rin ang direktor at scriptwriter nito, kaya marami siyang trabaho sa pelikula.

“It’s a different kind of comedy,” paglalarawan ni Bitoy sa big project niya.

“And it’s a different kind of drama,” singit ni Dawn.

Nabasa namin na maraming Kapamilya at Kapuso stars ang nagko-congratulate kay Dawn, at hinihintay na nila ang showing ng Family History.

-Nitz Miralles