TRULILI kaya na isang rock star ang dapat isa sa hurado ng Idol Philippines? Hindi raw available ang rock star bukod pa sa mahal ang hininging talent fee kaya last minute ay napagdesisyunan ng management na si James Reid ang isama.

James copy

Kuwento ng aming source, “bago ihayag ang judge’s ng ‘Idol Philippines’, isang linggo lang na pinag-meeting-an nila si James. Busy daw kasi ‘yung gusto nila, rock star din sana para tatapatan nila si Bamboo sa ‘The Voice’. E, ‘yun nga, hindi puwede ‘yung gusto nila.”

Sitsit naman din ng isa pang taga-Dos, “may kontrata si James sa ABS kaya kailangang bigyan siya ng show since wala pa rin silang teleserye ni Nadine (Lustre) kaya mag ‘Idol Philippines’ muna siya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi pa, habang hindi pa nagso-shooting si James ng Pedro Penduko dahil nga nagte-therapy siya, ay mag-TV show muna siya para naman hindi mabigat ang gagawin.

At kung tama ang narinig naming tsika ay sa Hulyo ang resume ng Pedro Penduko ni James mula sa Viva Films.

-Reggee Bonoan