Matapos ang serye ng big-time oil price hike, magpapatupad naman ng rollback ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng 20 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang 5-10 sentimos naman ang inaasahang bawas-presyo sa diesel.
Ang nagbabadyang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Pebrero 5 nang huling nagtapyas ng P0.60 sa gasolina, P0.35 sa diesel, at P0.20 sa kerosene.
-Bella Gamotea