HALOS hindi na pala natutulog these days si Tony Labrusca dahil sa sobrang busy niya.

Busy as a bee ang bida ng Glorious—na ang director’s cut ay napanood na kahapon sa iWant—dahil bukod sa tapings ng Mea Culpa kasama sina Jodi Sta. Maria, Kit Thompson, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, Iwana Alawi, at Bela Padilla, mula sa direksiyon ni Dan Villegas for Dreamscape Entertainment, abala na rin si Tony sa shooting ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Kasama naman niya sa movie sina Jane Oineza, Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa, at Albie Casiño, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana for Regal Films.

Ginagawa rin ngayon ni Tony ang digital mini-series na Ang Babae sa Septic Tank 3 para sa iWant, na produced ni Atty. Joji Alonso, at si Marlon Rivera ang direktor. Si Eugene Domingo pa rin ang bida, na ayon sa kuwento ay siya na lahat ang direktor, bida, producer at iba pa.

Bukod dito ay may mga out of town shows pa si Tony in between, kaya sa sasakyan na lang daw natutulog ang aktor, habang bumibiyahe.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya pala hindi na kayang tumanggap ng aktor ng iba pang project dahil wala nang pagsisingitan.

Anyway, plano namang ipalabas sa mga sinehan ang Cinema One Originals na Double Twisting Double Back nina Tony at Joem Bascon, at hinahanapan lang ng play date.

-Reggee Bonoan