MATAPOS magwagi sa katatapos na 1st Saint Anthony Development Chess Cup, muling masisilayan si PH chess wizard Alexandra Sydney Paez sa 2019 National Age- Group Chess Championships- Luzon Leg sa Marso 8 sa Pacific Mall, Legazpi City.

Suportado ng Colegio de San Juan de Letran Calamba, Cabuyao City, Laguna Mayor Rommel A. Gecolea at ng Jolly Smile Dental Clinic, ang Cabuyao City, Laguna native Paez ay makikipagtagisan sa pinakamahuhusay na woodpushers sa bansa.

Ang Top three (3) sa bawat category-boys at girls (U8,U10,U12, U14, U16, U18,U20) ay aabante sa Grand Finals. Ang Top three (3) sa bawat category sa Grand finals ay makakakuha ng tiket tungo sa 20th Asean Chess Age-Group Chess Championships sa Malanday, Myanmar sa Hunyo 9-19.

“I will do my very best in the upcoming 2019 National Age- Group Chess Championships- Luzon Leg,” pahayag ni Alexandra Sydney.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naging pambato si Paez sa Golden Mind Chess Tournament sa Lipa City, Batangas at nakisalo sa 2nd place sa 2018 National Age-Group Chess Championships -Under 14 - Girls (Visayas Leg) sa Kalibo, Aklan noong Enero 27.