Meet the real-life Master Roshi.

Master Roshi

Tinaguriang “real-life Master Roshi” ang 55-anyos na Vietnamese-born professional bodybuilder mula sa California, dahil sa hindi maipagkakailang pagkakahawig niya sa animé character ng sikat na Dragon Ball Z, ulat ng Oddity Central.

Sa kanyang magandang pangangatawan at batang ugali hindi aakalaing 55-anyos na si Nhon Ly. Ngunit bukod sa kanyang magandang pangangatawan ang pagkakahawig nita sa Dragon Ball Z charater na si Master Roshi, aka “Turtle Hermit”.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Ayon sa Madness Media, nag-migrate sa Amerika si Ly taong 1980, sa edad na 16. Nagtrabaho siya bilang pedikyurista sa isang nail salon, hanggang siya na ang magmay-ari nito.

Ngunit ayon sa kanya, matagal na niyang “passion” ang body building kaya naman madalas siyang sumasali sa mga professional bodybuilding events. Ilan sa kanyang nagpagwagian ang 4th place sa 2011 US Championship, 7th sa 2012 edition, at 5th sa 2015 Nationals.

Sa kabila ng edad, patuloy ang pagsasanay niya sa gym upang mapanatili ang kanyang Master Roshi look. Hilig din niya na magbahagi ng mga larawan at videos sa kanyang 40,000 Instagram subscribers, na karamihan ay fans ng Dragon Ball Z.

Katuwaan din ng mga fans na magkomento, at “thanking him for training Goku.”