Sisimulan na ng Department of Transportation sa Miyerkules, Pebrero 27, ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway sa bansa.

SUBWAY copy

Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang inaasahang mangunguna sa groundbreaking ceremony ng proyekto, na tatawaging Metro Manila Subway Project.

Ayon sa DOTr, ang proyekto ay may 15 istasyon, mula sa Quirino Highway hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, at FTI.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Target umano ng DOTr na bago matapos ang 2022 ay makumpleto at maging operational na ang unang tatlong istasyon ng subway, kabilang ang sa Quirino Highway, Tandang Sora, at North Avenue.

Inaasahan namang magiging fully operational ang subway sa taong 2025.

Nabatid na sa bilis nitong 80 kilometers per hour (kph), aabot lang sa 31 minuto ang magiging biyahe mula sa North Avenue patungong NAIA at FTI.

-Mary Ann Santiago