KAHIT na mas naunang naging artista si Therese Malvar du’n sa pelikulang Huling Cha Cha Ni Anita kaysa kay Kyline Alcantara ay hindi naman daw niya sasapawan sa aktingan at kantahan si Kyline sa kanilang seryeng Inagaw Na Bituin na umere na sa mundo ng telebisyon nito lang Feb. 11, 2019 sa GMA7 afternoon primetime at in pernes panalo sa TV ratings, ha!

Therese at Kyline

“Naku, kahit kailan, hindi ko intensiyong sapawan ang sinumang kaeksena ko.

“I just do my best, always. Magaling din naman si Kyline kaya hindi siya basta-basta magpapalamon sa kahit kaninong kaeksena niya,” ang very humble na sey ni Therese Malvar.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

So, walang dapat ikabahala ang Team Kyline Alcantara, okidoki?

Basta tutok lang sa Inagaw Na Bitutin sa Kapuso afternoon primetime mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung sino ang mas magaling sa aktingan at kantahan kina Kyline at Therese, well, kayo na ang bahalang humusga.

‘Yon lang.

-MERCY LEJARDE