Sugatan ang walong katao nang magsalpukan ang sports utility vehicle (SUV) at jeep sa Pasay City, ngayong Huwebes.

SUV, JEEP

Isinugod sa San Juan De Dios Hospital sina Amron Ambug, Mark Anthony Jebulan, Leo Matt Alcaraz, Ariel Ocenado, Jana Doquillo, Alfonso Balago-on, Marionne Angelou Ocampo Tapia, driver ng Toyota RAV 4; at Kenneth Acedo Managan, PUJ driver.

Sa sketchy report ni SPO3 Murillo, traffic investigator ng Pasay City Traffic Department, naganap ang aksidente sa panulukan ng EDSA at Macapagal Boulevard sa nasabing lungsod, bandang 6:00 ng umaga.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Galing sa EDSA Taft at papuntang Mall of Asia (MOA) ang jeep, habang nagmula naman sa Macapagal northbound lane ang SUV nang magsalpukan sa nabanggit na intersection.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang jeep, na ikinasugat ni Managan at ilan niyang pasahero.

Mahaharap si Tapia sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property with multiple physical injuries.

-Bella Gamotea