TRULILI kaya ang tsika ng kilalang gay businessman at ilang katotong nakakaalam na pa-booking ang aktor na walang masyadong project ngayon?

Hindi kasi kami naniniwala, kasi naman ‘pag nagsasalita ang aktor ay masyadong idealistic at suplado.

“’Wag kang mag-base sa itsura, Reggee. Kadalasan ‘yung pa-suplado effect, sila pa ‘yung pa-booking,” sabi naman ng katoto namin.

Ha, ha, ha, hanggang ngayon talaga ay hindi pa kami marunong kumapa o tumingin kung sino ang suma-sideline.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Going back sa aktor ay kailangan daw kasi niya ng extra income kasi nga walang masyadong project, e, breadwinner ng pamilya at grabe rin ang lifestyle nilang lahat.

At kung gaano raw kamahal maningil ng talent fee niya si aktor sa mga projects ay ganito rin siya sa mga kliyente niya.

Kinakagat naman daw kasi nga guwaping naman si aktor.

Oh well…

-Reggee Bonoan