HINDI biro ang ginagawang paghahanda ng cast ng upcoming primetime series ng GMA na Sahaya.

Bukod kasi sa free diving lessons at pag-aaral ng iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Badjao, nagkaroon din sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Jasmine Curtis-Smith ng dance workshop para mas magampanan nang tama ang kanilang mga karakter.

“It looks easy but it is really not. We don’t treat it as a dance, it is actually a prayer,” ayon kay Bianca.

Excited na rin si Jasmine sa kanyang bagong proyekto sa Kapuso Network, kung saan gaganap siya bilang nanay ni Sahaya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m definitely excited kasi you really have to be specific sa mga information or facts na ibibigay natin sa story, and kung paano ko rin siya ipo-portray,” saad ni Jasmine.

For sure, dahil nga hindi paawat ang love tandem nina Bianca at Miguel, na sunud-sunod ang projects sa Kapuso Network, marami tuloy ang nagko-conclude na fake news lang ang love issue between Bianca at Ruru Madrid, at kina Miguel at Kyline Alcantara.

Niwey, abangan na lang natin ang airing ng Sahaya coming very soon sa GMA 7, at isantabi na lang ang isyu kina Bianca at Ruru at Miguel at Kyline, okidoki?

-Mercy Lejarde