M E L B O U R N E , Australia (AP) — Kung sa palagay ng marami na isang tsamba ang panalo ni Stefanos Tsitsipas kay Roger Federer, may oras pa para mabago ang pananaw.

TSITSIPAS: Batang kampeon?

TSITSIPAS: Batang kampeon?

Sinundan ng 20 Greek tennis sensation ang monumental upset win kay Federer nang pabagsakin si No. 22 seed Roberto Bautista Agut 7-5, 4-6, 6-4, 7-6 (2) sa Australian Open nitong Martes para tanghaling pinakabatang Grand Slam semifinalist mula noong 2007.

“That was a great win. It got people’s attention,” pahayag ni Tsitsipas matapos ang fourth-round stunner kontra sa two-time defending champion na si Federer nitong Linggo.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“My biggest challenge was to stay concentrated, stay focused,” in order to show that the previous victory “didn’t happen accidentally.”

Sa saliw ng pagbubunyi ng crowd, kabilang ang grupo na nagwawagayway ng bandila ng Greece, ipinamalas niya ang katangian na hahagaan ng marami sa Rod Laver Arena, sa naiskor na 22 aces, at 30 winners.

Naghahabol siya sa una at ikatlong set bago dinomina si Bautista Agut, umusad sa quarterfinals nang manalo sa matitikas na sina Andy Murray, three-time major champion, at Marin Cilic, ang 2014 U.S. Open champion at runner-up kay Federer sa Melbourne Park sa nakalipas na taon.

“Well, he’s a good player, no? He’s very complete. He has a good forehand and backhand. He’s serving well,” pahayag ni Bautista Agut.

“I think he knows the game. He knows how to play.”

Ngayon, ang kailangan ng 14th-seeded Tsitsipas ay makumpleto ang matikas na ratsada para sa minimithing kampeonato.

“Guys,” aniya sa crowd, “if you haven’t subscribed, please subscribe.”

Wala pang teenager sae dad ni Tsitsipas ang umabot sa semifinals ng anumang Grand Slam tournament mula ng magawa ni Novak Djokovic noong 2007 U.S. Open at Andy Roddick sa Australian Open noong 2003.

“It all feels like a fairy tale, almost. I’m just living the dream, living what I’ve been working hard for,” sambitni Tsitsipas. “I mean, I feel a bit emotional but not too much because I know I worked hard to get here.”

Masusukat ang kanyang husay laban sa 17-time major champion Rafael Nadal. Nagwagi kontra 21- year-old American Frances Tiafoe sa straight set.