MAY bagong pelikula na naman si Anne Curtis, ang Just a Stranger to be directed by Jason Paul Laxamana.

Anne copy

Ipinost ni Anne ang script ng movie at sabi nito, “Time to reread, study and understand Mae a little bit more. First film for 2019. Very excited to work with you @ jplaxamana.”

Sumagot si Direk Jason ng “See u soon!” at ibig sabihin, malapit nang simulan ang shooting at malalaman na rin ang iba pang cast ng pelikulang Just a Stranger.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa nag-comment na sana mala-psychological ang project gaya ng Girl, Interrupted, ang sagot ni Anne: “I’ve always said in my interviews this one of my dream roles! Maybe, next? Hope a script like this falls into my lap this year.”

Dahil sa bagong movie ni Anne, mali ang tsikang buntis siya na inakala ng netizens dahil sa picture niya with husband Erwan Heussaff at sis-in-law na si Solenn Heussaff na medyo malaki ang tummy niya. Baka busog lang si Anne nang magpakuha ng picture.

-NITZ MIRALLES