Papayagan ng Department of Transportation (DOTr) na makasakay sa tatlong mass railway transits sa Metro Manila ang mga deboto ng Poong Nazareno na lalahok sa Traslacion 2019, kahit pa walang sapin sa paa ang mga ito.

Ayon kay DOTr Communications Director Goddess Hope Libiran, wala silang nakikitang masama kung sumakay man nang walang sapin sa paa ang mga deboto sa Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, gayundin sa Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Nilinaw naman ni Libiran na hindi lang papayagang sumakay sa tren ang mga debotong tatangging magpasailalim sa ipinatutupad nilang “No Inspection, No Entry” sa mga istasyon.

-Mary Ann Santiago
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20