SARIAYA, Quezon – Labing-apat na katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang van at truck sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng Sariaya Police ang mga sugatan na sina Christopher Nazareta, Rey Rolloque, Ruel Valenzuela, Rominick Ubaña, Rowena Ubaña, Mc Giben Perillo, Eduardo Nazareno, Mary Jaylo, Roylan Roldan, Jude Buella, Neil Angelo Vargas, Michael Angelo Gallego, John Russel Tabor, at ang truck driver na si Junior Sandaga.
Sila ay isinugod ng Quezon Medical Center sa Lucena City.
Sa ulat, minamaneho ni Randy Cecilia, 40, ng San Pedro Panganiban, Camarines Norte, ang L300 van sakay ang mga nasugatan, maliban lamang kay Sandaga, patungong San Mateo, Rizal nang maganap ang aksidente sa Maharlika Highway, dakong 1:20 ng madaling araw.
Bigla na lamang umanong sumalpok ang van sa kasalubong na truck na minamaneho ni Sandaga na patungo naman ng Albay.
Sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang aksidente upang matukoy ang sanhi nito.
-Danny Estacio