Kaagad na nasementuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinkhole na nadiskubre sa southbound ng Roxas Boulevard sa Maynila, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Asec. Celine Pialago, MMDA spokesperson, agad nilang ipinagbigay-alam sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Huwebes ng gabi ang tungkol sa sinkhole.

“We immediately told the DPWH about the sinkhole. They sent their men there and started cementing at 7:10 a.m.,” aniya.

Ang sinkhole ay may lawak na dalawang talampakan, at kasing lalim ng drum, at nadiskubre bandang 6:00 ng gabi nitong Huwebes.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

-Jel Santos