TARLAC CITY – Inaresto ang limang katao habang nagsusugal sa Tarlac Common Terminal, sa San Nicolas, Tarlac City, kahapon.

Ayon kay Insp. Wilhelmino Alcantara, ng Tarlac City police, nakapiit sina Arnold Valencia, 40; Raymond Petilla, 38, Barangay Sula, San Jose, Tarlac; Mark Roldan Villegas, 28, ng Maamot, San Jose, Tarlac; Rommel Guerrero, 32, Bgy. Santo Rosario, Concepcion, Tarlac; at Regienald Antonio, 33, ng Bgy. Tambugan, Camiling.

Sa ulat, naaktuhan ng mga awtoridad ang lima na nagsusugal sa Purok 4, Bgy. San Nicolas, kahapon ng umaga.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Leandro Alborote